Patuloy pang tumataas ang bilang ng mga kaso ng cholera sa Negros Occidental.
Naitala ang pinakamataas na kaso ng sakit sa Talisay City na nasa 23, sinundan ng Silay City, 21 kaso at isang namatay.
Habang sa EB Magalona ay mayroong 14 na kaso at isang namatay; Cadiz City, Apat na kaso; Victorias City, dalawang kaso; Pulupandan at Manapla, dalawang kaso bawat isa, at Murcia, isa ang nasawi.
Nuong Oktubre, naitala na ang pagtaas ng kaso sa nasabing lalawigan.
Samantala, umabot na sa 486 ang mga kaso ng acute gastroenteritis sa lungsod kung saan 17 na ang namatay.