Sumampa na sa 557,058 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,901 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Pebrero 19.
Nasa 32,440 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 537 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 512,789 ang total recoveries
Habang 157 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,829 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,901 ngayong Biyernes, Pebrero 19.
Pumalo na sa kabuuang 557,058 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 32,440 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6vrD0My5sC
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 19, 2021