Sumipa na sa 566,420 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,557 panibagong COVID-19 cases ngayong Miyerkules, Pebrero 24.
Nasa 30,970 naman ang active cases.
Samantala, 392 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 533,321 ang total recoveries
Habang 22 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,129 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,557 ngayong Miyerkules, Pebrero 24.
Pumalo na sa kabuuang 566,420 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 30,970 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/2NFTiWgWHm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 24, 2021