Sumipa na sa 571,327 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,651 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Pebrero 26.
Nasa 34,498 naman ang active cases.
Samantala, 561 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 524,582 ang total recoveries
Habang 46 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,247 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,651 ngayong Biyernes, Pebrero 26.
Pumalo na sa kabuuang 571,327 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang 34,498 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/IRtl6ShqL5
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 26, 2021