Sumirit na sa 684,311 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 6,666 panibagong COVID-19 cases ngayong Miyerkules, Marso 24.
Nasa 91,754 naman ang active cases.
Samantala, 1,072 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 579,518 ang total recoveries
Habang 47 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 13,039 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 6,666 ngayong Miyerkules, Marso 24.
Pumalo na sa kabuuang 684,311 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 91,754, naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/q8nFYMCo8O
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 24, 2021