Sumipa na sa 545,300 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,022 panibagong COVID-19 cases ngayong Biyernes, Pebrero 12.
Nasa 33,151 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 333 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 500,654 ang total recoveries
Habang 26 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,495 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado