Umabot na sa 584,667 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,452 panibagong COVID-19 cases ngayong Huwebes, Marso 4.
Nasa 37,226 naman ang active cases.
Samantala, 266 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 535,037 ang total recoveries
Habang 15 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,404 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,452 ngayong Huwebes, Marso 4.
Pumalo na sa kabuuang 584,667 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang 37,226 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/X3Vbtd2ABv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 4, 2021