Inaasahang sisirit pa at papalo sa pinakamataas na bilang ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.
Ayon ito kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na nagsabi pang ang pagtaas ng COVID-19 cases sa taong ito ay nagsimula sa huling bahagi ng pebrero hanggang unang bahagi ng marso subalit naitala ang climax nito sa unang linggo ng Abril.
Ipinabatid ni de Guzman na nagsimula sa average na 5,000 kada araw ang naitalang COVID-19 cases at sa mga susunod na araw o linggo ay maaaring makita ang pagtaas pa ng kaso lalo nat hindi pa nararamdaman ang buong epekto ng ECQ.
Inamin ni de Guzman na mahirap tantyahin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 dahil nag iiba iba ang bilang linggu linggo.