Naniniwala ang OCTA Research Group na bababa sa 5,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, base sa kanilang projection sa kalagitnaan ng buwan o posibleng hindi na umabot sa 10,000 kada araw ang kaso at maaaring sumadsad sa huling bahagi ng Pebrero.
Hindi na rin anya dapat ipag-alala ang pagtaas ng cases dahil sa BA.2 Omicron sub-variant pero dapat pa ring mag-ingat dahil hindi rin imposible na magkaroon ng “major resurgence.”
Samantala, inirekomenda naman ni David na ipagpatuloy ang pagpapabakuna kabilang ang pagtuturok ng booster para hindi magkaroon ng muling case spike. —sa panulat ni Mara Valle