Inaasahan ng isang infectious disease expert na tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw o linggo, sa gitna ng uptick ng infections partikular sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na bahagya lamang ang itataas ng mga kaso dahil marami na ang nabakunahan kontra COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Solante na hindi pa rin dapat magpakakampante ang publiko dahil mayroong mga mild cases na maaaring humantong sa severe cases.