Sumampa na sa 1,397,403 ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,127 na karagdagang recoveries.
Batay sa pinakabagong datos ng DOH, nakapagtala naman ito ng 5,916 na bagong kaso kaya’t sumirit na sa 1,473,025 ang kabuuang coronavirus infections sa bansa.
Sa nasabing bilang, nasa 49,701 ang active cases o 3.4% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.
Samantala, dahil naman sa pagpanaw ng mahigit isang daan pang pasyente ay umakyat na sa 25,921 ang death toll sa buong kapuluan.