Nadagdagan pa ng 6,845 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) ito ang dahilan kung bakit umakyat na sa 1,537,097 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng virus.
55, 069 naman ang bilang ng active cases ng COVID-19.
Habang nasa 1,455, 137 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 2,330.
Samantala, walang naitalang panibagong bilang ng mga namatay kaya nananatiling nasa 26,891 ang kabuuang nasawi sa virus.