Walo pang bansa sa mundo ang nakapagtala ng unang kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Kabilang sa mga nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag ang Saudi Arabia at Portugal.
Sa Portugal, naitala ang unang dalawang kaso sa bayan ng Porto na kinabibilangan ng isang 60 taong gulang na lalaki na nagbakasyon sa Italy at isang 33 anyos na lalaki na nagbakasyon naman sa Spain.
Sa Saudi Arabia, naitala ang unang kaso ng sakit matapos magpositibo ang isang pasyente na galing Iran.
May kaso na rin ng COVID-19 sa Tunisia matapos magpositibo sa sakit ang isang 40 anyos na Tunisian na mayroong history nang pagbiyahe sa Italy.
Ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 ay ang Scotland, Andorra, Jordan, Senegal at Latvia.
Sa kasalukyan ay nasa 76 na mga bansa na at teritoryo ang apektado ng COVID-19.