Pumalo na sa 1,667,714 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa ating bansa.
Sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 8,900 na mga bagong kaso ng virus.
78,480 naman ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 o nasa 4.7%.
6 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi, kaya’t nasa 29,128 na ito.
Samantala, 1,560,106 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 7,937 ng mga bagong gumaling sa COVID-19.