Ngayong 4 PM, Agosto 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,021 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,194 na gumaling at 162 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (76,063) ang aktibong kaso, 93.6% (1,544,443) na ang gumaling, at 1.75% (28,835) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 5, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Maaaring makita natin ang mataas na bilang ng kaso sa susunod na mga araw. Ang mga trend sa susunod na araw at linggo ay depende sa aksyon na gagawin ng gobyerno, LGU at bawat isa sa atin. Tandaan natin na laging sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna kapag tayo ay nabigyan na ng pagkakataon. —sa panulat ni Drew Nacino