Posible pang tumaas ang naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw ngayong nalalapit na ang ‘Ber’ months.
Ito ang kinumpirma ni OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye kung saan, mas lalo pa umanong tataas ang kaso ng nakakahawang sakit ngayong nakapasok na ang mga bagong sub variant ng COVID-19.
Ayon kay Rye, hindi dapat magpaka-kampante ang publiko dahil kahit subvariant ang tumama sa isang indibidwal ay malubhang sakit pa rin.
Sinabi ni Rye na sakaling makaramdam ng sintomas ng naturang sakit, agad na magpasuri upang maiwasana ang severe case ng COVID-19.
Matatandaang sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na bagamat nagpapakita ng pag-slow down sa infections base sa nationwide record, posibleng mag-peak ang mga kaso sa pagpasok ng “Ber” months.