Nakapagtala ng mataas na mga bagong kaso ng COVID-19 ang tatlong rehiyon sa bansa.
Kabilang dito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang Bicol Region, Zamboanga Peninsula at MIMAROPA.
Ipinabatid ni Vergeire na ang Bicol ay nakapagtala ng halos 44,000 COVID-19 cases, mahigit 43,000 naman ang Zamboanga Peninsula at halos 30,000 cases sa MIMAROPA.
Samantala, inihayag ni Vergeire na ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley ay nananatiling nasa high risk classification dahil sa bilang ng COVID-19 cases.