Pumalo na sa 20 milyon ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Estados Unidos sa unang araw ng Bagong Taon.
Batay ito sa datos mula sa prestihiyosong John Hopkins University kung saan nakapagtala ito ng mahigit 346,000 ang nasawi.
Samantala, nasa halos 3 milyon na ang nabakunahan sa amerika subalit nakatutok lang ito sa mga health worker at tinatawag na vulnerable sector.
Una nang naturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech si US President Elect Joe Biden na unang tumuligsa sa aberya sa pamamahagi ng bakuna sa kanilang bansa.