Nababahala ang lokal na pamahalaan ng Baguio City sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 na hinihinalang dahil sa delta variant.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, mataas ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw kung saan may average na 270 hanggang 280.
Ani Magalong, batay sa kanilang projection posibleng umabot pa ito sa 300 covid-19 case kada araw.
Sa ngayon ay nasa general community quarantine with heightened restrictions ang Baguio city.