Bumaba ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa malawakang vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction number ng Pilipinas ay nasa 0.52 na lamang.
Aniya, ang average daily infections sa nakalipas na linggo ay bumaba rin ng 35% o 4,500 mula sa dating 8,400.
Sinabi pa ni David na karamihan ay protektado na kaya’t wala nang masyadong makapitan ang virus kung saan ang mga tinatamaan na lamang aniya ng COVID-19 ay ang mga hindi pa nababakunahan o mga bakunadong may comorbidities.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico