Nilinaw ng DOH na hindi artipisyal ang sinasabi nilang pagbaba ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, talagang makikita ngayon ang patuloy na pagbaba ng kaso at hindi lamang ito batay sa numerong naitatalang kaso kada araw, kundi maging sa bilang ng admission sa mga osptital.
Aniya, batay sa Covid-19 tracker ng DOH, nitong October 9 nasa 56.5 percent ang bed occupancy rate habang nasa 70 point 48 percent ang icu utilization rate.
Binigyang diin din ni Vergeire, na nitong mga nakalipas na Linggo, hindi hihigit sa 11,000 covid-19 case ang naitatala kada araw sa bansa.
Napansin din ng DOH na nabawasan ang testing output sa ilang rehiyon.