Bumaba ng 25 ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang buwan.
Batay aniya sa datos ng doh, nasa 2,517 COVID-19 cases ang average ng naitatala nilang bagong kaso kada araw, tatlo hanggang apat na linggo na ang nakakaraan.
Ayon kay Vergeire bumaba na ito sa 1,887 cases kada araw sa nakalipas na dalawang linggo.
Dagdag ni Vergeire, bumaba rin aniya sa 522 cases kada araw ang naitatalang kaso sa Metro Manila mula sa dating 842.
Kaugnay nito, umaasa si Vergeire na magtuloy-tuloy na ang pagbaba sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang sa hindi na ito madagdagan pa.