Umaasa ang Malakaniyang na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) nitong mga nakalipas na araw ng mas mababa sa 2,000 mga bagong kaso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakikita rito ang pagbaba ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw.
Gayunman tumanggi si Roque na sabihing napa-flatten na ang curve ng COVID-19 cases sa bansa.
Aniya sa oras na wala na talagang maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, doon pa lang mas magandang ideklarang tuluyan nang na-flatten ng mga Pinoy ng COVID curve.