Posibleng bumaba sa 5,000 hangang 6,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang maitatala sa bansa pagdating ng buwan ng disyembre.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David nakikita nilang patapos na ang surge ng COVID infections sa NCR, Calabarzon, Central Luzon, Cebu, at iba pang lugar.
Kaugnay nito, posible rin aniyang ibaba sa alert level 1 o 2 ang Metro Manila pagsapit ng Disyembre.
Gayunman, sinabi ni David na posible naman ang surge ng Delta variant sa ibang mga rehiyon.—sa panulat ni Hya Ludivico