Naniniwala ang OCTA Research Group na maaaring muling tumaas nang mas mabilis ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kung hindi mabibigyan ng booster shot ang mga Pilipino.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Guido David na nakararanas na ng resurgence ang ibang mga bansa dahil sa epektibong bisa ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ani Guido posibleng magka-outbreak sakaling magsimulang mawala ang bisa ng mga itinurok na bakuna sa katawan ng tao.
Kaya naman suportado nito ang pagkakaroon ng booster shots bago pa man lumala ang sitwasyon. —sa panulat ni Joana Luna