Wala pang nakikitang pagtaas sa kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) sa kabila ng nagdaang pagtitipon dahil sa holiday season.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 maging sa mga probinsya.
Bagaman may nakitang 1% pagtaas, hindi sapat ito para sabihing nagdulot ng surge ang paglabas ng tao nitong holiday.
Sinabi naman ni Vergeire na patuloy nilang imo-monitor Covid-19 case trend sa bansa, lalo’t kakatapos lang ng pagdaraos ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.