Sumampa na sa mahigit 30,000 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ngayong Linggo, Hunyo 21.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 653 cases sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito, pumalo na sa 30,052 ang kabuuang COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa bilang ng mga bagong kaso, 415 dito ay ‘fresh’ cases at 238 naman ang late cases.
219 fresh cases ay mula sa Metro Manila; 177 sa Region VII; at ang 107 ay mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Sa late cases; 32 ang naitala mula Metro Manila; 177 sa Region VII; at 29 ay mula sa iba’t-ibat lugar sa bansa.
Samantala, nadagdagan ng 243 ang bilang ng mga nakarekober sa naturang virus kaya’t umabot na sa 7,893 ang kabuuang bilang nito.
Pumalo naman sa 1,169 ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang karagdagang 19 kaso ng pagmatay dahil dito.