Pumalo na sa mahigit 41,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa ngayong Sabado, Hulyo 4.
Ito’y matapos makapagtala ng 1,494 panibagong kaso ang Department of Health (DOH) sa nakalipas na magdamag.
Sa naturang bilang, 403 dito ay ‘fresh’ cases at 1,091 naman ay late cases.
Sa bilang ng mga fresh cases, 180 ay mula sa Metro Manila; 90 sa Region VII; at 133 ay mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa late cases naman ay 499 ang mula sa Metro Manila; 146 sa Region VII; at 133 mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
380 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarecover sa nakamamatay na virus kaya’t umabot na sa 11,453 ang total recoveries; habang nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga namatay kaya’t sumampa na sa 1,290 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na simula sa susunod na linggo ay hindi na nila ihihiwalay ang bilang ng mga ‘fresh’ at ‘late’ cases sa mga naitatalang panibagong kaso ng COVID-19.