Pumalo na sa mahigit 65,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,357 panibagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, umabot na sa 65,304 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
41,464 sa naturang bilang ay kinokonsidera bilang active at ang iba naman ay mild illness.
Pinakamarami sa mga bagong kaso ay naitala sa Metro Manila na may 1,824 new cases; Laguna, 105; Cavite, 62; Cebu, 49; at Rizal 39.
Samantala, karagdagang 321 naman ang naitalang gumaling mula dito; habang 113 ang mga bagong naitalang namatay kaya’t pumalo na sa 1,773 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.