Nadagdagan pa ng 264 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH), nagkaroon ng 165 na mga bagong kaso sa Metro Manila o National Capital Region (NCR), 74 sa Region 7 habang 25 mula sa iba pang mga rehiyon.
Dahil dito, umakyat na sa 11,350 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pumalo na rin sa 751 ang mga nasawi sa coronavirus bunsod ng pagkamatay ng 24 pang pasyente.
Samantala, nakapagtala naman ng 107 new recoveries ang DOH dahilan upang umakyat na sa 2,106 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa naturang sakit.