Nadagdagan pa ng 4,516 ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) ito ang dahilan kung bakit umakyat na sa 1,517,903 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng virus.
48,806 naman ang bilang ng active cases ng COVID-19.
Habang nasa 1,444,253 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 5,240.
26,844 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 58 na panibagong mga nasawi sa virus.