Nagpa-plateau na ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, kung saan sinabi pa nito na pababa na ang bilang ng infections at manageable ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman may mga lugar aniya na nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng mga kaso.
Paliwanag ni Vergeire, ito’y dahil sa mababang bilang ng mga nakalaang kama para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal sa publiko na patuloy ang pagbulusok ng positivity rate ng karamihan sa mga lugar sa bansa.