Pumapalo sa 517 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID 19, dahilan kaya’t umakyat na sa halos 2.9 million ang kabuuang kaso ng virus sa bansa.
Ito na ang ika-11 sunod na araw na nakapag-record ang Pilipinas ng mga bagong kaso ng COVID-19 na mas mababa sa isanlibo.
Ayon sa DOH, nananatiling nasa 1.8 percent ang positivity rate na anito’y nasa requirement target ng who na mas mababa sa limang porsyentong positivity rate.
Ipinabatid ng DOH na nasa 14, 338 ang active cases kung saan 911 ang asymptomatic ; 6, 350 ang mild ; 3,837 ang moderate ; mahigit dalawang libo ang severe at 815 ang critical condition.
Sumirit na sa mahigit 2.7 million ang total recoveries kabilang na ang 1,139 na mga bagong gumaling sa COVID 19.
Samantala, 243 ang mga bagong nasawi sa COVID- 19 dahilan kaya’t umakyat na sa mahigit 49 thousand ang death toll.