Higit 8,000 kaso nanaman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inalabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), naitala ang 8,167 na mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan para lumobo sa 1,605,762 ang kabuuang bilang nito.
Sa naturang bilang, 62,615 o 3.9% ang aktibong kaso ng virus.
77 naman ang bagong naitalang nasawi dahil sa COVID-19, kaya’t nasa 28,093 na ang death toll nito sa bansa.
Samantala, sa kaparehong case bulletin, pumalo na sa 1,515,054 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 9,095.