Pumalo sa higit 5K ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inalabas na datos ng Department Of Health (DOH), naitala ang 5,249 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 1, 364, 239.
Sa nasabing bilang nasa 55,847 o 4.1% ang aktibong kaso.
Samantala , 7,053 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 1, 284,643 na ang bilang nito.
Habang 23, 749 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng 128.