Pinangangambang pumalo pa sa 30,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng Setyembre sa gitna na rin nang pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus sa bansa.
Ayon ito kay Professor Guido David, fellow ng OCTA Research Group sa kanilang pagtaya kung saan mas sisirit pa ang bagong kaso ng infection sa susunod na linggo.
Gayunman, sinabi ni David na hindi naman papalo sa 40,000 ang posibleng maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Samantala, ipinabatid ni David na tumaas ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila na ngayo’y nasa 1.41 mula sa 1.39 bagamat pababa na ang over all trend ng COVID 19 cases sa rehiyon.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng nahahawahan ng isang infected ng virus.