Patuloy ang paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon, April 22 nasa 6,710 na ang tinamaan ng nasabing virus sa bansa matapos maitala ang 111 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.
9 namang pasyente ang nasawi sa magdamag kaya’t nasa 446 na ang death toll samantalang 39 ang mga bagong naitalang gumaling sa COVID-19 kaya’t pumapalo na sa 693 ang total recoveries mula sa nasabing virus.