Nalampasan na ng bansa ang krisis sa COVID-19.
Ito’y ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David kasunod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni David na posibleng bumaba pa sa 500 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng buwan ng Disyembre at maaaring bumulusok pa sa 200 ang COVID-19 cases sa NCR bago matapos ang taon kung patuloy na bababa ang mga kaso.
Malaking tulong aniya sa pagbaba ng mga kaso ang patuloy na pagbabakuna kontra COVID-19 at pagbibigay ng booster shots. —sa panulat ni Hya Ludivico