Inaasahang sasampa sa 800k ang kabuuang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa sa katapusan ng taong 2021 ayon sa UP experts.
Ito ay sa kabila ng pagpapaigting ng health protocols at pagpapabuti sa health care system ng pamahalaan kontra sa naturang virus.
Batay sa isinagawang 1K senaryo ng UP COVID-19 Pandemic Response Team (UP-PRT) lumabas na sisipa sa 700k hanggang 1-M ang posibleng maiulat na kabuaang kaso pagtungtong ng buwan ng Disyembre sa taong 2021.
Samantalang inaasahang aabot naman sa 19,000 ang bilang ng kabuaang masasawi.
Kinonsidera sa naturang simulasyon ang posibilidad na pagkakaroon ng bakuna sa kalagitnaan ng taon, pagpapatupad ng localized lockdowns at ang pagpapaigting sa minimum health standards.—sa panulat ni Agustina Nolasco