Ikinabahala ng Department of Health ang posibilidad na muling tumaas ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong papalapit ang pasko.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Dir. Alathea de Guzman, hindi dapat magpakampante ang publiko dahil lang sa pagluwag ng restriction sa bansa maging ang sunod-sunod na pagbaba ng kaso ng Covid-19.
Sinabi din ni de Guzman na hindi parin nawawala ang banta ng virus kaya dapat na panatilihin ang pagsunod sa ipinatutupad na minimum health standards.
Sa ngayon pumapalo na sa 97.38% ang recovery rate habang nasa 1.62% naman ang fatality rate. —sa panulat ni Angelica Doctolero