Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na pumalo sa 17K ang mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa sa katapusan ng Hulyo.
Ito ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay base sa pagtataya ng australian Tuberculosis Modeling Network (AUTUMN), lalo na kung patuloy kakalimutan ng mga tao na sumunod sa mga health protocol.
Ani Vergeire, ang pagsunod ng publiko sa mga health protocol ay bumaba ng 21% at kung bababa pa ng 22 % ang pagsunod ng publiko sa mga health protocol ay posibleng sumipa sa 22K ang araw ang tala ng impeksiyon.
Binigyang diin din nito na ilan pa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng naturang virus ang pagbaba ng immunity mula sa mga bakuna at paglabas ng mga tao.