Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 900 bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 941 ang mga bagong kaso kung saan nasa 3,666,678 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
49,374 naman ang aktibong kaso ng virus habang na sa 3,560,425 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit matapos na madagdagan ng 1,784.
56,879 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 109 na panibagong mga nasawi.—sa panulat ni Airiam Sancho