Pumapalo na sa 18,638 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 552 pang confirmed case ng COVID-19 kung saan 119 ang fresh o newly validated at 433 ang late case.
Tumaas pa sa halos apat na libo (3,979) ang total recoveries mula sa COVID-19 matapos maitala ang 70 pang pasyente na gumaling samantalang tatlo naman ang nadagdag sa death toll na nasa 960 na.
Sa mga tinaguriang fresh cases, sinabi ng Department of Health (DOH) na 94 ang mula sa Metro Manila, 4 ay mga repatriates, 1 mula sa Region 7, at ang nalalabing 20 ay mula sa ibat ibang panig ng bansa.
Sa mga late cases naman, ipinabatid ng DOH na 137 ay mula sa Metro Manila, 98 ay mula sa Region 7, 16 ay repatriates, at ang 182 pang kaso ay mula sa ibat ibang panig ng Pilipinas.
Hanggang nitong nakalipas na May 30, ang Pilipinas ay mayruon nang 37 certified polymerase chain reaction facilities at 11 Genexpert laboratories na nakapag test na ng mahigit 300,000 indibidwal.