Nadagdagan pa ng 16 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 49 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa nabanggit na virus batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon.
Gayunman walang pang ibinigay na karagdagang detalye ang ahensiya hinggil sa mga nabanggit na pasyente.
Sinabi ni Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire walo sa 49 na pasyenteng may COVID-19 ang nasa maayos na kondisyon.
Habang si patient 29 na siyang 82 anyos na babaeng pinay ang kasalukuyanng naka-incubate dahil sa iba pang dinaranas na sakit sa puso at endocrine.
Dagdag ni Vergeire, tatlo sa kumpirmadong kaso ang nasa kritikal na kondisyon.
Maliban dito, nasa 31 posible COVID-19 case ang hinihintay pa ang kumpirmasyon ng kanilang test habang nasa 48 pang mga person under investigation ang nananatiling naka-confine sa iba’t ibang mga hospital sa buong mundo.