Pumalo na sa 578,381ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,037 panibagong COVID-19 cases ngayong Lunes, Marso 1.
Nasa 31,708 naman ang active cases.
Samantala, 86 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 534,351 ang total recoveries
Habang 4 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,322 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,037 ngayong Lunes, Marso 1.
Pumalo na sa kabuuang 578,381 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang 31,708 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/MqXu2buTBv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 1, 2021