Nakapagtala pa ng karagdagang 943 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Hunyo 20.
Dahil dito, pumalo na sa 29,400 ang kabuuang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa Pilipinas.
Sa bilang ng mga bagong kaso, 578 dito ay ‘fresh’ cases at 365 naman ang late cases.
Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng pinakamaraming fresh cases ang Region VII na may 296; sinundan ng Metro Manila na may 218; at ang 64 naman ay mula sa ibat-ibang rehiyon ng bansa.
Sa late cases, 60 ang nadagdag sa NCR; 147 sa Region VII; at 158 sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Samantala, 272 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober kung saan pumalo na ito sa 7,650; at 20 sa bilang ng mga namatay kaya’t umabot na sa 1,150 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, nangunguna pa rin sa pinakamaring kaso ng COVID-19 ang NCR na may 14,554 cases; pumangalawa naman ang Region VII na may 4,956 cases.