Pumalo na sa 474,064 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa buong bansa, ngayong huli araw ng taong 2020.
Sa inilabas sa datos ng Department Of Health (DOH), ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 1,541 na mga bagong kaso ng COVID-19.
296 naman ang naitalang bilang ng mga bagong nakarekober o gumaling sa virus, dahilan para umakyat ang bilang nito sa 439,796.
Sa kaparehong datos, umakyat din ang bilang ng mga nasawi sa virus sa 9,244 matapos na madagdagan ng 14.