Sumampa na sa 621,498 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 4,899 panibagong COVID-19 cases ngayong Linggo, Marso 14.
Nasa 48,157 naman ang active cases.
Samantala, 13,371 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 560,512 ang total recoveries
Habang 63 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 12,829 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,899 ngayong Linggo, Marso 14.
Pumalo na sa kabuuang 621,498 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 48,157 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/74pNyK1C1s
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 14, 2021