Pumalo na sa 40,336 ang bilang ng mga kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergiere ay matapos maitala ang 1,035 na dagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa nasabing virus sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 688 sa mga ito ay nagmula sa tinatawag na “fresh cases” habang ang 863 naman ay mga tinatawag na “late cases”.
Nangunguna pa rin sa mga rehiyong may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang National Capital Region (NCR) at ang Region 7 o Central Visayas.
Samantala, nadagdagan din ng anim bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa kaya’t umakyat na rin ang bilang nito sa 1,280.
Habang 400 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling mula sa virus kaya’t umakyat na ang bilang nito sa kabuuang 11,078.
Magugunitang ibinabala ng mga virologist mula sa University of the Philippines (UP) na inaasahan nilang pumalo sa mahigit 40,000 ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa sandaling luwagan na ang ipinatutupad na community quarantine sa bansa upang buhayin ang ekonomiya.