Umakyat na sa 2,565,487 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) ito’y makaraang madagdagan ng 15,000 na bagong kaso ng virus.
Sa nasabing bilang, nasa 130,268 na ang aktibong kaso ng virus sa bansa.
2,396,726 naman ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 dahil sa karagdagang 23,483 na bagong gumaling.
Samantala, 199 naman ang bagong nasawi sa COVID-19 sa bansa dahilan para sumirit sa 38,493 ang kabuuang bilang ng mga nasawi bunsod ng COVID-19.